Parol
Ang parol ay isang palamuti na sinasabit sa labas ng bahay pag tungtong ng bermonths sa pilipinas, ito ay nag sisimbolo ng liwanag at kasiyahan tuwing pasko, ito rin ay nag sisimbolo din ng kulay hindi lamang sa tahanan maging sa buong paligid din.
Ang parol ay isa ng tradisyon sa pilipinas ,ito ay nag karoon ng fiesta na ginaganap sa Pampanga tuwing disyembre 14-enero 1 ito ay tinatawag na Giant Lantern Festival. Kada barangay ng Pampanga ang sumasali dito. Dito rin makikita ang nag lalakihan at nag gagandahan na parol, madami ding dumadalo dito upang Makita ang mga parol.
Ang giant lantern festival ay tanyag hindi lamang sa pilipinas kundi pati na rin sa ibang bansa dahil sa makukulay at nag gagandahang disenyo ng mga parol na tila sumasayaw sa saliw ng musika. Ang bawat parol ay gawa sa mga de-kalidad na materyales at mayroong komplikadong Sistema ng ilaw na nagpapalit-palit ng mga kulay, kaya’t parang may buhay ang bawat disenyo.
Ang pag diriwang na ito ay nagsisilbing simbolo ng psg kakaisa at pag asa ng mga Pilipino, lalo na sa panahon ng pasko. Bukod sa papakita ng sining at pag kamalikhain, ang giant lantern festival ang nag dadala rin ng kita at turismo sa Pampanga, na nag bibigay ng hanap buhay sa mga local na residente.
Ang parol ay ginagawa din hanap buhay ng iba, dahil sa parol may kinikita sila at may kinakain sila araw araw. Minsan naman ang pag gawa nito ang ginagawang libangan ng iba sapagkat nag bibigay din itp ng saya sa tuwing nakikita moa ng magagandang disenyo nito at ang pag iiba iba ng ilaw nito.
Sa bawat taon, mas pinagbubuti pa ang mga disenyo at ilaw nito, kaya’t lalong dumarami ang mga taong nag nanais na masaksiahan ang tradisyon na ito, na nag papakita ng tunay na diwa ng pasko at pagiging masayahin ng mga Pilipino.
Sa bawat taon din na dumadating ang pasko at ang parol para kang bumabalik sa pag kabarta tuwing nakikita ang nag gagandahang iba’t ibang disenyo at mga kislap ng ilaw para itong nag bibigay ng pag asa na sasaya ka tuwing nakikita mo ito.